dzme1530.ph

Resolusyon para sa pagbabago sa economic provision sa Constitution, welcome kay Sen. Padilla

Bagama’t hindi na nagkomento sa pagbuo ng sub-committee na pamumunuan ni Sen. Sonny Angara para talakayin ang pagbabago sa economic provision ng Saligang Batas, nagpahayag pa rin ng katuwaan si Senate Committee on Constitutional Amendment Revision of Code and Laws Robin Padilla sa pagiging bukas ng Senado sa Charter Change.

Sinabi na Padilla na magandang balita paa sa sambayanan ang inihaing resolution ni Senate President Juan Miguel Zubiri para sa pagbabago sa economic provisions ng Konstitusyon.

Umaasa ang mambabatas na ang hakbang na ito ay maging dahilan para sa pag-unlad ng bayan at ng mga Pilipino.

Patunay din anya ito na tama ang kanyang naging hakbang na reviewhin ang economic provisions ng Konstitusyon upang pumasok na ang mga dayuhang mamumuhunan sa bansa.

Sinabi ni Padilla na sa kanyang committee report noong Marso 2023, iminungkahi niya ang pagbabago sa pitong economic provision sa Saligang Batas subalit walang senador na pumirma kaya’t hindi ito naendorso sa plenaryo. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author