Prangkahang sinabi ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na walang maaasahang cash aid mula sa gobyerno ang mga magsasaka ng gulay na nalugi dahil sa oversupply.
Sa Press Briefing sa Malakanyang, inihayag ni Laurel na 30% ng mga ani lalo na sa gulay ang nasasayang lamang o nabubulok.
Gayunman, sinabi ni Laurel na sa ngayon ay wala silang pondo para tulungan ang mga apektadong magsasaka.
Iginiit pa ni Laurel na siya mismo ay hindi sampalataya sa ideya ng ayuda, at sa halip ay mas nais niyang mamahagi na lamang ng farm implements tulad ng mga binhi, fertilizers, at iba pa.
Sa kabila nito, tiniyak ng DA Chief na gagawin nila ang lahat upang tulungan ang mga magsasaka alinsunod sa kanilang mandato. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News