dzme1530.ph

ERC, nais amyendahan ang EPIRA upang mabayaran ang halagang nawala sa mga business owners noong Panay blackout

Nais amyendahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) upang mabayaran ang halagang nawala sa mga business owners bunsod ng malawakang blackout sa Panay Island noong January 2.

Sa ilalim ng EPIRA, maaaring magpataw ng P50 million na maximum penalty ang ERC at mapupunta ito sa National Treasury.

Paliwanag ni ERC Chairwoman Monalisa Dimalanta, magbibigay daan din ito upang mabayaran ang mga naargabyadong mamimili.

Magugunitang sinisisi ng Department of Energy at ilang mambabatas ang National Grid Corporation of the Philippines sa hindi pagpapatupad ng manual load droppings para patatagin ang grid nang matumba ang dalawang powerplants noong Enero.

Samantala, mariing iginiit ng NGCP na walang basehan ang pag-drop load dahil gumagana pa ang sistema noong araw na iyon at anila, nangyari lamang ang insidente matapos masira ng dalawang planta. DZME News

About The Author