dzme1530.ph

131 medical specialty centers, naitatag na nationwide —Pangulo

Umabot na sa 131 isang medical specialty centers ang naitatag na sa bansa, hanggang noong Disyembre 2023.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ito ay kasunod ng kanyang paglagda sa Republic Act no. 11959 o ang Regional Specialty Centers Act.

Sinabi rin ni Marcos na ngayong 2024, inilaan ang P11.12-B para sa pagpapatayo ng mga karagdagan pang specialty facilities.

Ang specialty centers ay ang health facilities na nakatutok lamang sa mga partikular na malulubhang sakit tulad ng cancer, sakit sa puso, sakit sa baga, kidney, at iba pa.

Samantala, ipinagmalaki rin ni Marcos ang pinalawak na “Doctors to the Barangays” program, kung saan 91% na umano ng mga Munisipalidad ay mayroon nang doktor. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author