Naglabas ng video ang grupong Hamas na nagpapakita sa tatlong bihag na Israeli sa Gaza kahapon, Jan, 14.
Sa naturang video, mapapanood ang paghimok ng Israeli hostages sa kanilang gobyerno na itigil na ang opensiba laban sa Palestinian Islamist Group para sa kanilang paglaya.
Kasama sa 37-second video ang mga bihag na sina Noa Argamani, 26 years old; Yossi Sharabi, 53 years old; at Itai Svirsky, 38 years old.
Sa dulo ng video, nakalagay ang Chyron o electronically generated caption na “Tomorrow we will inform you of their fate.”
Una nang sinabi ng Hamas na nawalan sila ng contact o ugnayan sa mga hostage habang sinasalakay ng Israeli Forces ang Gaza.
Tumanggi namang magpahayag ang Israeli officials sa public message ng Hamas sa mga bihag, at tinawag ito na psychological warfare, subalit, nilinaw din ng Israel na alam nito ang mga panganib sa mga hostage mula sa kanilang opensiba. —sa panulat ni Airiam Sancho