dzme1530.ph

Ilang usapin na konektado sa PUVMP, hindi pa nai-establish —Rep. Acop

Magpapatuloy pa ang imbestigasyon ng House Committee on Transportation sa usapin ng PUV Modernization Program.

Kinumpirma ni Committee on Transportation Chairman, Antipolo City Cong. Romeo Acop na hindi pa nila nai-establish sa ginawang pagdinig ang isyu ng kurapsyon, sabwatan at iba pang usapin na kunektado sa PUVMP.

Bagaman at may nag-file na ng resolution to extend the deadline ng consolidation, hindi naman agad ito naaprubahan noong nagkaraang pagdinig dahil sa kakulangan ng quorum.

Inamin din ni Acop na iniutos niya sa committee secretariat na gawin na ang committee report kaugnay sa motion ni Cong. Dan Fernandez na hingin kay Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang pagpapalawig ng programa, subalit dahil sa kakulangan ng quorum nanatili itong draft.

Tiwala rin si Acop na gaya nang mga nakaraang transport strike, wala masyadong epekto ang ilulunsad na protesta bukas ng MANIBELA, bukod pa sa handa naman umano ang pamahalaan dito. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

About The Author