dzme1530.ph

Pagbabago ng Konstitusyon, dapat nang isakatuparan ngayon —Rep. Joey Salceda

Para kay Albay Cong. Joey Salceda kinulang sa demokrasya ang 1987 Constitution dahil sa ilang nationalist provisions.

Ayon sa ekonomistang kongresista at chairman ng Ways and Means panel, isinara ng 1987 charter ang oportunidad na makamtan ng mga Pilipino ang pantay na kasaganaan.

Dahil aniya sa restrictive economic provisions, ibinawal sa mga dayuhan na makapasok o mag-invest sa agrikultura, mass media, edukasyon, advertising, large scale mineral at oil explortations.

Dahil dyan, ang Pilipinas aniya ang may pinakamataas na “income inequality” o hindi pantay na kita kumpara sa mga karatig bansa sa ASEAN, pang huli sa pwesto pagdating sa invest-ment destination, at balance of trade sa “ASEAN 6.”

Binigyan din ni Salceda na ngayon ang tamang panahon para isakatuparan ang pagbabago ng Konstitusyon, dahil kung gagawin ito matapos ang 2025 mid-term elections, tuluyan nang magsasara ang oportunidad para sa Pilipinas.  —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

About The Author