Naglaan ang pamahalaan ng P800-M para sa pagtatayo ng bagong Port sa Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea upang palakasin ang maritime security at magsilbing silungan ng mga mangingisda.
Ayon kay Makati City 2nd District Rep. Luis Campos Jr., Vice Chair ng House Appropriations Committee, ang naturang pondo ay kabilang sa 2024 General Appropriations Law, sa gitna ng patuloy na pagtatayo ng China ng Artificial Island sa Spratlys.
Aniya, naka-itemized ang magagastos sa Lawak Shelter Port sa 2024 Maritime Transportation Infrastructure Program.
Ang Lawak Island ay ikalawa sa pinakamalaking landmass sa Kalayaan Island Group na matatagpuan sa northeastern section ng Spratlys.
Nilinaw din ni Campos na ang P800-M para sa Lawak Shelter ay bukod sa P1.5-B na inilaan para sa expansion ng airport sa Pag-asa Island. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera