dzme1530.ph

Epekto ng El Niño, ramdam na ng ilang magsasaka sa Bulacan

Ramdam na ng ilang magsasaka sa Bulacan ang epekto ng El Niño phenomenon.

Sa Bayan ng San Ildefonso, nasa 10% ng rice farmers ang bigong makapagtanim ngayong dry season bunsod ng kakapusan ng supply sa tubig.

Ayon kay San Ildefonso Municipal Agriculture Officer Victorio Joson, nangangamba ang mga magsasaka ng palay na hindi nila maabot ang regular nilang inaani na 4.7 metric tons ngayong dry season.

Ang ilang magsasaka ay piniling magtanim na lang muna ng mga gulay sa halip na palay dahil sa kakapusan ng tubig. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author