Hinimok ni Senador Christopher Bong Go ang Department of Health na doblehin ang pagkilos upang maresolba ang mga kaso ng acute gastroenteritis sa Baguio City.
Sinabi ni Go na dapat matukoy ng DOH ang tunay na dahilan ng pagkalat ng sakit at agad itong resolbahin.
Binigyang-diin ng senador na dapat bigyang prayoridad ang mga programa para sa kalusugan ng mamamayan dahil dito nakasalalay ang buhay ng bawat isa.
Ipinaalala ng mambabatas na bilang kagawaran ng kalusugan, pangunahing misyon ng DOH na mabantayan ang kalusugan ng mamamyan at maprotektahan sila laban sa anumang sakit.
Samantala, ipinaalala rin ni Go sa publiko na huwag balewalain ang naunang advisory ng World Health Organization kaugnay sa posibilidad ng pagkalat ng monkeypox.
Sinabi ni Go na dapat maging maingat ang lahat lalo na sa kalusugan bagama’t ang monkeypox anya ay hindi katulad ng COVID-19 na madaling makahawa. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News