dzme1530.ph

VAT exemption sa mga gamot at equipment laban sa COVID-19, expired na

Hindi na exempted sa value added taxes (VAT) ang mga equipment, gamot, at bakuna laban sa COVID-19, ayon sa Bureau of Internal Revenue.

Sa Revenue Memorandum Circular, sinabi ng BIR na effective Jan. 1, 2024, ay subject na sa VAT ang sale o import ng lahat ng gamot, bakuna, at medical devices, partikular ang prescribed at direktang ginagamit na pang-lunas sa COVID-19.

Alinsunod sa Republic Act no. 11534 o Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act, binigyan ng tax exemptions ang pag-aangkat at pagbebenta ng mga gamot at kagamitan laban sa COVID-19.

Gayunman, ang period of exemption ay itinakda lamang sa pagitan ng Jan. 1, 2021 hanggang Dec. 31, 2023. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author