Bumagsak sa 12.8°C ang temperatura sa Baguio City, kahapon ng umaga, ayon sa PAGASA.
Bumaba rin sa 15.8°C ang temperatura sa Basco, Batanes bunsod ng patuloy na pag-iral ng Northeast Monsoon o Amihan.
Sinabi ng PAGASA na ang Amihan na karaniwang nagsisimula sa buwan ng Oktubre at Inaasahan magtatapos sa Marso, ang nagdudulot ng malamig na temperatura sa matataas na lugar, gaya ng Baguio City.
Jan. 18, 1961 nang maranasan sa naturang lungsod ang pinakamalamig na temperatura sa kasaysayan ng bansa na naitala sa 6.3°C.
Samantala, sa Metro Manila, ang pinakamababang temperatura ngayong taon, ay naitala kahapon, sa 20.2°C. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera