Mas magiging agresibo ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) sa pangangalap ng investments mula sa Japan ngayong 2024 upang maipagpatuloy ang magandang momentum noong nakaraang taon.
Ayon kay PEZA Director General Tereso Panga, lumobo ng 194% o sa P52.2-B ang inaprubahang investments mula sa Japan noong 2023.
Sinabi ni Panga na mula sa 13% na share sa PEZA investment approvals noong 2022, ay umakyat ito sa 30% noong nakaraang taon.
Ngayong Enero ay nakatakdang lumagda ang PEZA ng Memorandum of Understanding kasama ang Sumitomo Mitsui Banking Corp. at Rizal Commercial Banking Corp. upang tulungan ang ahensya na magpasok ng karagdagang investments mula sa Japan. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera