dzme1530.ph

Pagbubukas ng karagdagang ferry station at dagdag na ferry boat sa Ilog Pasig kinumpirma ng MMDA

Inihayag ng Metropolitan Manilla Deployment Authority (MMDA) na magdaragdag pa ang ahensiya ng mga ferry boats at pagbubukas ng mga bagong station sa Intramuros, Bridgetowne sa Pasig, Marikina, at rehabilitasyon ng PUP station sa Sta. Mesa para dumami pa ang maserbisyuhan na mga pasahero sa Metro Manila.

Kaugnay nito ibinida rin ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes na umabot na sa 254,000 na pasahero ang na-serbisyuhan ng Pasig River Ferry noong 2023 at inaasahang tataas pa ang ridership nito ngayong taon, kung saan mananatili pa rin anila ang ang libreng sakay.

Ang pahayag ni Artes kasunod ng isinagawang inspection sa Pasig River Ferry Service kahapon kasama si DILG Sec. Benjamin “Benhur” C. Abalos, Jr. para sa isasagawang Pasig River Urban Development Project.

Ibinahagi rin ni Artes na kasalukuyan nang pinag- aaralan ang planong pagpapalawak sa Pasig River Ferry ng DOTr sa Laguna de Bay at Manila Bay. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author