dzme1530.ph

Relasyon ng executive at legislative departments, lalo pang gaganda sa pagpasok ni Recto sa gabinete

Magiging maganda ang relasyon ng Executive at Legislative Department sa pagpasok ni Finance Secretary Ralph Recto sa gabinete.

Ito ang pananaw nni Sen. Christopher ‘Bong’ Go sa pagtatalaga kay Recto na dati nilang nakasama sa Senado.

Binigyang diin ni Go na sa pagsusulong ng mga panukala para sa ekonomiya ng bansa ay kailangan ng magandang tandem ng ehekutibo ay lehislatura.

Dito aniya papasok ang background at experience ni Recto bilang dating mambabatas at ekonomista.

Umaasa ang senador na sa pamumuno ng bagong kalihim ay magtutuloy tuloy ang pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas

Tiniyak rin ni Go ang kanyang magiging suporta kay Recto sa Commission on Appointments.

Ang pakiusap lang ng mambabatas ay tiyaking walang maiiwan na Pilipino at huwag pababayaan ang mga mahihirap nating kababayan sa mga fiscal measures na isusulong nito. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author