Bumaba sa 348% ang congestion rate sa mga kulungan sa bansa simula Enero hanggang Oktubre ng nakaraang taon.
Batay sa report ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), kumpara ito sa 367% na naitala sa kaparehong panahon noong 2022.
Sa statement, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ang pagbaba ng jail congestion rate ay maiuugnay sa patuloy na pagpapatupad ng paralegal programs.
Kabilang na rito ang good conduct time allowance; time allowance for study, teaching, and mentoring (TASTM); at special time allowance for loyalty.
Ayon sa PCO, 77,467 persons deprived of liberty ang binigyan ng time allowance habang 18,865 ang nag-qualify sa TASTM. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera