dzme1530.ph

PBBM, pinangunahan ang pag-turnover ng pabahay sa daan-daang pamilya sa Cavite na apektado ng paglilinis sa Manila Bay

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pag-turnover ng pabahay sa daan-daang pamilya sa Bacoor City Cavite, na apektado ng paglilinis sa Manila Bay sa bisa ng mandamus ruling ng Korte Suprema.

Sa seremonya sa Brgy. Molino II, itinurnover ang ready-to-occupy at under-construction housing units sa mahigit 600 pamilya.

Ito ay bahagi ng Phase I ng Ciudad Kaunlaran Housing Project, na bubuuin ng kabuuang 540 housing units sa siyam na 5-storey buildings.

Samantala, pinangunahan din ni Marcos ang groundbreaking ng Phase 2 ng Ciudad Kaunlaran Project kung saan itatayo ang dalawa pang 5-storey buildings para sa karagdagang 120 housing units.

Sinabi ng Pangulo na pinabilis ang relokasyon sa mga apektadong residente, sa pabahay na ligtas, dekalidad, komportable, at may maayos na pamayanan. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author