dzme1530.ph

Benepisyo sa katawan ng egg white, alamin!

Sinaunang sibilisasyon pa lamang sa Egypt, China, at Arabian Peninsula ay ginagamit na ang puti ng itlog para magkaroon ng magandang balat at buhok.

Mayaman ang egg white sa protein at albumin na mayroong skin toning properties at nagpo-promote ng wrinkle-free skin.

Maaring gamitin ang puti ng itlog upang mapigilan ang premature aging, dahil sa firming at lifting properties nito sa balat. Ang kailangan lang ay linisin ang mukha, pahiran ito ng egg white, patuyuin sa loob ng 10 hanggang 15 minuto saka banlawan ng malamig na tubig. Ang regular na application nito ay nakakaiwas sa pagkakaroon ng wrinkles, fine lines at iba pang premature signs of aging.

Ang puti ng itlog ay magandang beauty solution para sa oily skin. Ihalo ang kaunting lemon juice sa egg white at i-apply ang mixture sa mukha. Patuyuin ito sa balat saka banlawan. Bukod sa nakababawas at pinaliliit din nito ang pores, at kinokontrol ang sebum kaya ang mukha ay nagkakaroon ng matte at nourished finish.

Kung ang buhok naman ay dull, dry at damaged, huwag mag-alala dahil kayang ibalik ng egg white ang sigla ng iyong buhok. ang paglalagay ng puti ng itlog sa buhok ay magpapanumbalik sa kintab at lambot nito. ang regular na paggawa nito ay nakapagpapabuti sa texture at quality ng buhok.

Mabisa rin ang egg white sa pagkontrol ng oiliness sa anit. gaya sa pag-tighten ng pores sa mukha, ganito rin ang epekto ng puti ng itlog sa hair follicles upang mapigilan ang paglalabas ng sobrang langis sa anit.

About The Author