dzme1530.ph

PhilHealth may kakayahan na dagdagan ng 30% ang health coverage dahil malaki ang pondo nito —Cong. Wilbert Lee

Muling kinalampag ni Agri-partylist Rep. Wilbert Lee ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), na ipatupad na ang 30% increase sa benefits at coverage ng miyembro nito.

Ayon kay Lee, 2024 na pero patuloy na ipinagdadamot ng PhilHealth sa mga miyembro nito ang karagdagang benepisyo.

September 6, 2023 sa budget hearing sa Kamara natuklasan na may P466-B investible funds ang PhilHealth, at may net income na P68.4-B.

Sumulat na rin si Lee sa PhilHealth noong Oktubre at inirekominda ang 20 to 30% increase sa lahat ng packages at coverage nito.

Bukod dyan isinulong din ni Lee ang House Resolution 1407 para himukin na i-update nito ang coverage at isabay sa tumaas na inflation.

Nangako umano si PhilHealth President/CEO Emmanuel Ledesma Jr. na itaas ang benefit packages across the board ng 10 to 30%, subalit magpa hanggang ngayon ay hindi pa rin ito inaaprubahan ng board of director. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

 

About The Author