dzme1530.ph

PBBM, kinilala ang mga ambag ng Indonesia sa kapayapaan at pagpapaunlad sa Mindanao

Kinilala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga ambag ng Indonesia sa pagtataguyod ng kapayapaan at pag-unlad sa Mindanao.

Ito ang sinabi ng Pangulo matapos ang bilateral meeting kay Indonesian President Joko Widodo.

Ayon kay Marcos, patuloy na nakikinabang ang Mindanao sa mga bunga ng kapayapaan at demokrasya.

Umaasa ang Pangulo na patuloy na tutulong ang Indonesia sa pagtatatag ng mga institusyon sa local governance partikular sa Bangsamoro Region.

Kasabay nito’y nanawagan ang Pangulo sa mga kaukulang ahensya na madaliin ang mga Memorandum of Understanding na magpapalabas ng economic potential ng BARMM para sa kaunlaran at kabuhayan ng mga residente.

Tiniyak din ni Marcos na patuloy itong makikipagtulungan sa magiging successor ni Widodo, sa nakatakdang pagtatapos ng kanyang ikalawa at huling termino ngayong taon. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author