Nagpadala ang Pilipinas ng legal interrogatories o legal questions sa Indonesia kaugnay ng kaso ni Mary Jane Veloso, ang Pinay na nasa death row dahil sa Drug Trafficking.
Ayon sa Dep’t of Foreign Affairs, ito ay nangyari kasabay ng Official Visit sa bansa ni Indonesian President Joko Widodo.
Sinabi ni DFA Undersecretary Ma. Theresa Lazaro na ang legal interrogatories ay hiniling mula sa Philippine Regional Trial Court, at sasagutin ito ni Veloso.
Ito ay magiging bahagi ng testimonya ng Pinay para sa isinampa niyang kaso laban sa kanyang illegal recruiters.
Samantala, noong nagdaang Pasko ay naka-bisita kay Veloso ang kanyang pamilya sa tulong ng DFA at ng Embahada ng Pilipinas sa Jakarta. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News