Walang direktang pag-uutos ang Department of Transportation (DOTr), para sa mga tsuper at operator na bumili ng Chinese jeepney sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).
Ayon kay DOTr-Office of Transport Cooperatives (DOTr-OTC) chairman Andy Ortega Jr., wala silang binitiwang pahayag na dapat Made in China lamang ang bibilhin ng mga operator.
Paliwanag pa ni Ortega, nasa kamay na ng mga kooperatiba at korporasyon ang pagpili ng brand at disenyo ng modern vehicles.
Nilinaw din ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na hindi nila maaaring diktahan ang mga operator sa pagpili ng brand o model ng jeepney unit.
Sa ngayon ay pinatitignan na ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, kung mayroong korapsyon sa konseptwalisasyon at implementasyon ng PUVMP. via DZME News