Inilarawan ni Cong. Robert Ace Barbers, ang bumabang bilang ng unemployment sa bansa sa maayos na economic policy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Ayon sa kinatawan ng Surigao del Norte, indikasyon ito na gumagana ang economic policy na isinulong ng administrasyon Marcos.
Ang nadagdag na 200, 000 jobs ay patunay na on the right track at nagbunga ang mga programa ni PBBM, economic team at mga kaalyado nito sa kongreso.
Ang mga pumasok na bagong pamumuhunan ang naging susi kaya nagkaroon ng opportunidad sa bagong trabaho, at umaasa ang Mindanaoan leader na darami pa ito lalo na kung maisasakatuparan ang pag-amyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution.
Sinabi ni Barbers na pinipigilan ang pagpasok ng maraming foreign capital dahil sa restrictive provisions sa konstitusyon.
Kung maaayos ito, mas maraming dayuhang puhunan ang makakapasok na magreresulta sa mas maraming trabaho at economic activities para sa Pilipino. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News