Walang oversupply ng gulay sa Benguet sa gitna ng mga ulat na daan-daang mga repolyo ang itinatambak o ibinebenta sa murang halaga sa lugar, ayon sa Dept. of Agriculture (DA).
Paliwanag ni DA Spokesperson at Asec. Arnel de Mesa, kakaunti lamang ang mga trader na namili ng mga gulay noong unang tatlong araw ng buwan na ito.
Pero, simula aniya noong January 8, naging normal na muli ang trading sa La Trinidad at Baguio, at bumabalik na rin sa normal ang presyo ng mga pangunahing gulay, gaya ng carrots, mga repolyo at wombok.
Samantala, sinabi ni de Mesa na target ng kagawaran na magtayo ng karagdagang trading post sa Mountain Province upang maiwasan ang katulad na problema. —sa panulat ni Airiam Sancho