dzme1530.ph

Transport strike, magpapatuloy hangga’t hindi ibinabasura ang Modernization program -PISTON

Nanindigan ang Pagkakaisa ng Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) na ipagpapatuloy nila ang transport strike.

Sinabi ni PISTON national president Mody Floranda na tuloy ang kanilang tigil pasada hangga’t hindi naglalabas si Pangulong Bongbong Marcos ng executive order na nagbabasura sa PUV Modernization program.

Una nang inihayag ng PISTON sa Facebook na tagumpay ang unang araw ng transport strike kahapon, kung saan 80% ng Metro Manila ang naapektuhan at 100% ng mga pangunahing ruta sa National Capital Region ang paralisado.

Sinupalpal din ng transport group ang statement ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na “subject to review” pa rin ang December 31 deadline para sa franchise consolidation, kasabay ng pagsasabing pinakakalma lang ng ahensya ang sitwasyon.

Itinakda ng transport groups ang tigil pasada simula kahapon, March 6 hanggang sa March 12.

About The Author