Pinalagan ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang hakbang na People’s Initiative para sa Charter Change.
Sa Facebook post, inilarawan ni Duterte ang people’s initiative bilang boses ng iilan na nais ipako ang mga sarili sa kapangyarihan.
Sinabi ng Kongresista na nabalitaan niya na pinangungunahan ni PBA Party-list Rep. Margarita “Migs” Nograles ang PI Movement sa Davao City.
Bunsod nito, nanawagan si Duterte sa mga Dabawenyo na huwag ibenta ang kanilang kaluluwa sa halagang P100 o P10,000 kapalit ng kanilang pirma.
Idinagdag ni Duterte na inalis ng Liderato ng Kamara ang P2-B alokasyon na ipinanukala para sa dabawenyos sa National Expendture Program at ang natira lamang ay P500 million. —sa panulat ni Lea Soriano