Hindi nakatanggap ng direktiba ang Office of Transportation Security (OTS) na nagbabawal sa mga deboto ng poong Itim na Nazareno na magdala o gumamit ng transparent na bag.
Paglilinaw ni OTS Supervisor Abigael Gatuz, tanging mandato ng ahensya na mag-check ng gamit ng mga deboto na papasok sa Quiapo Church.
Kaugnay nito, nakakumpiska na ang ahensya ng mga gamit tulad ng mga gunting, swiss knife, knuckles, lighters, sigarilyo, replica gun o toy gun, at ballpen.
Patuloy rin ang pa-alala ng OTS at ng iba pang mga otoridad sa mga deboto na huwag nang magdala ng mga ipinagbabawal na gamit.
Samantala, aalisin ng OTS ang kanilang security machines kapag malapit na ang andas ng Poong Nazareno sa Quiapo Church. —ulat mula kay Allen Ibañez, DZME News