dzme1530.ph

Unemployment rate sa bansa noong Nob. 2023, bumaba sa 3.6%

Bumaba sa 3.6% ang unemployment rate sa Pilipinas noong November 2023, ayon sa  Philippine Statistics Authority (PSA).

Ito ay mas mababa kumpara sa 4.2% na bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong October.

Ibig sabihin, nasa 1.83 million ang jobless Filipino workers noong November mula sa 2.09 million noong October.

Naitala naman ang 5.79 million na underemployed individuals noong November, na mas mataas kumpara sa 5.6 million noong October.

Kabilang sa Top 5 sub-sector na nag-ambag sa pagtaas ng employment rate na nasa 96.4% noong November ang agriculture and forestry; construction ; transportation and storage; fishing and aquaculture;  at administrative and support service activities. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author