Bagaman sa Maynila ang sentro ng kapistahan ng Itim na Nazareno, mayroon ding gaganaping malalaking prusisyon o Traslacion sa iba’t ibang panig ng bansa, ngayong Martes.
Sa Shrine of the Black Nazarene Parish sa Cagayan de Oro City, ipatutupad ang “One Entrance, One Exit” policy, habang plantsado na ang seguridad ng gaganaping religious activity sa lungsod.
Sa Davao City, ipu-prusisyon ang replica ng imahen ng Poong Nazareno sa MacArthur Highway bago ito ibalik sa Black Nazarene Chapel.
Tuloy naman ang Black Nazarene activities sa Naga City, sa kabila ng mga pag-ulan.
Kahapon ay inilabas ng Holy Cross Parish sa Barangay Tabuco ang replica ng imahen ng Itim na Poon at dinala sa Plaza Quezon kung saan nagdaos ng misa at pahalik. —sa panulat ni Lea Soriano