Nilinaw ng Commission on Higher Education (CHED) na hindi binuwag ang Senior High School (SHS) program.
Kasunod ito ng paglalabas ng memorandum na nag-uutos sa mga State and Local Universities and Colleges na ihinto ang programa.
Ipinaliwanag ni CHED Chairman Prospero de Vera III na walang awtoridad ang komisyon na i-terminate ang SHS program, bagkus pina-aalalahanan lamang nito ang SUCs at LUCs na itigil ang programa bunsod ng wala nang legal na basehan na ipagpatuloy ang pagtanggap sa SHS students dahil tapos na ang transition period ng K-12.
Binigyang-diin ni de Vera, magpapatuloy ang implementasyon ng K-12 program, alinsunod sa Republic Act 10533 o ang Enhanced Basic Education Act of 2013. —sa panulat ni Airiam Sancho