dzme1530.ph

Pilipinas, nakapagtala ng 1.455 million live births noong 2022

Nakapagtala ang Pilipinas ng 1.455 million na kapanganakan noong 2022.

Sa kabuuang bilang na 1,455,393 live births, tatlong sanggol kada minuto ang naisilang.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, mas marami ang ipinanganak na lalaki na may datos na 758,038 live births o 52.1%, habang ang mga ipinanganak namang babae ay may datos na 697,335o 47.9%.

Karamihan ng mga registered birth ay nangyari noong Setyembre, sinundan ito ng Oktubre, Nobyembre, Disyembre, at Agosto.

Magugunitang ito ang unang birth growth makalipas ang tatlong taon matapos bumulusok ang bilang ng mga nanganak noong lock down bunsod ng COVID-19 pandemic.

About The Author