dzme1530.ph

AFP, tiniyak na walang destabilization plot laban sa Marcos Administration

Itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang umano’y destabilization plot sa loob ng kanilang organisasyon laban sa Marcos Administration.

Tiniyak ni AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar sa publiko na solid at united ang sandatahang lakas, at nakatutok lamang sila sa kanilang misyon.

Idinagdag ni Aguilar na huwag na silang idamay sa ganitong mga usapin dahil hindi naman ito nakatutulong sa bansa.

Kumpiyansa rin ang opisyal na hindi lalahok ang mga aktibong sundalo sa anumang planong pagpapabagsak laban sa administrasyon dahil propesyonal at sumusunod sila sa liderato ng AFP.

Kahapon ay pinabulaanan din ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang tsismis na sekreto siyang nakikipag-isap sa ilang pulis, sundalo, at pulitiko sa gitna ng umano’y destabilization plot. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author