Patuloy na binabantayan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang mga dahilan na posibleng magpataas sa inflation.
Ayon sa Central Bank, kabilang dito ang mataas na pamasahe, halaga ng kuryente, presyo ng langis, at posibleng epekto ng El Niño sa presyo ng pagkain.
Gayunman, mananatili ang policy setting nito hanggat nasu-sustain ng bansa ang downward trend inflation para maisagawa ang rate cut. —sa panulat ni Airiam Sancho