dzme1530.ph

NGCP, pananagutin ng DOE kaugnay ng power interruption sa Panay Island

Nangako ang Dep’t of Energy na pananagutin nito ang National Grid Corporation of the Philippines kaugnay ng matagalang power interruption sa Panay Island.

Inihayag ni Energy Sec. Raphael Lotilla na naiwasan sana ang malawakang blackout kung naging proactive lamang ang NGCP.

Sinabi ni Lotilla na may dalawang oras na window hour ang NGCP para sabihan ang distribution utilities at electric cooperatives sa Panay Island na bawasan ang kanilang load upang maiwasan ang island-wide sub-system collapse.

Gayunman, wala umanong ginawa ang NGCP bilang systems operator na responsable sa pagpapanatili ng kaayusan ng transmission grid.

Kasabay nito’y iginiit ng Energy Sec. na dapat ay natuto na ang NGCP sa nangyari ring prolonged power interruption sa Panay Island noong Abril 2023.

Tiniyak ni Lotilla ang accountability sa anumang kapalpakan sa serbisyo ng NGCP bilang transmission concessionaire at pinaka-malaking monopolyo sa energy sector ng bansa. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author