Inilunsad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Kalinisan sa Bagong Pilipinas Nationwide Clean-Up Program kasabay ng pagdiriwang ng National Community Development Day ngayong Jan 6.
Sa kanyang mensahe, inanyayahan ng Pangulo ang lahat na sumali sa mga pagtitipon para sa Community Development Day, kaakibat ng “Bayanihan” sa pagtugon sa polusyon at waste management.
Hinimok din nito ang mga bagong halal na Brgy. at Sangguniang Kabataan officials na linisin ang mga kalsada, kanal, at paaralan sa kanilang mga lugar.
Sa ilalim ng kalinisan sa Bagong Pilipinas, itatatag ang recognition system para sa mga pinaka-malinis na local gov’t unit, upang mahikayat silang magtaguyod ng mga programa, proyekto, at aktibidad sa solid waste management at ecological practices. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News