dzme1530.ph

80,000 trabaho, available sa Taiwan

Kinumpirma ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) at Taipei Economic Cultural Office (TECO) na nasa 80,000 trabaho para sa mga dayuhang manggagawa ang available sa Taiwan.

Ayon kay TECO Representative Wallace Chow, nangangailangan sila ng mga english teachers at factory workers.

Ang mga aplikante ay kailangang education graduate at may lisensya para magturo mula sa Professional Regulation Commission.

Sinabi naman ni MECO Chairman Silvestre Bello III na ang mga teacher sa Taiwan ay sumu-sweldo ng hanggang P150,000 kada buwan.

Pinag-usapan ng dalawang bansa ang job opportunities nang mag-donate ang Taiwan ng 2,000 metric tons ng bigas sa Pilipinas.

About The Author