Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang naitalang 3.9% inflation rate para sa buwan ng Disyembre, na itong pinaka-mababa sa taong 2023.
Sa kanyang social media post, tiniyak ng Pangulo ang patuloy na pagsusumikap ng pamahalaan upang pagandahin ang kalagayan ng ekonomiya.
Sinabi pa ni Marcos na sa pagpasok ng bagong taong 2024, mas palalakasin pa ang mga programa sa agrikultura.
Tututukan din ang iba pang hakbang upang mapanatiling abot-kaya ang presyo ng pagkain at iba pang pangunahing bilihin.
Ang food security at pagpapalakas ng lokal na produksyon ay kabilang sa mga pangunahing mithiin ng Administrasyong Marcos. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News