dzme1530.ph

Mas malalang power outages sa Panay Island, pinangangambahan sa summer season

Nababahala si Senador Imee Marcos na mas malala pang sitwasyon ang mararanasan sa Western Visayas sa tag-init kung hindi agad malulunasan ang kakapusan ng enerhiya sa rehiyon.

Iginiit ni Marcos na hindi dapat nararanasan ang ganitong problema sa pagbubukas pa lamang ng bagong taon.

Sa gitna anya ng paninisi sa power plant tripping, naiwasan sana ang problema kung nakumpleto na ang Cebu-Negros-Panay backbone project na long-term solution para sa krisis sa enerhiya sa rehiyon.

Nangako rin si Marcos na maghahain ng resolution upang siyasatin ang isyu at matukoy ang tunay na dahilan ng power outage at maglatag ng mga posibleng solusyon.

Nakababahala anya na sa pagpasok ng summer season ay mas malala pang mga power outages ang maranasanan na labis na makakaapekto sa ekonomiya. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author