dzme1530.ph

Sen. Dela Rosa, tiwalang di maapektuhan ang kanyang ranking sa survey ng ICC investigation

Tiwala si Sen. Ronald Bato Dela Rosa na hindi maaapektuhan ang mataas niyang rank sa senatorial survey kung sakaling maging subject siya ng imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC).

Batay sa December 10 to December 14 Tugon ng Masa National Survey, 47% ng mga Pilipino ang boboto kay Dela Rosa kung ngayon ang eleksyon.

Ayon kay Dela Rosa, ilang buwan nang naging mainit muli na usap-usapan  ang isyu na ito subalit patuloy ang pagtaas nya sa survey.

Ang mga isyu anyang na bumabalot sa sinasabing extra judicial killings ay walang epekto para sa 2025 national and local election.

Sa paniniwala pa ng Senador, kapag kinawawa ang isang tao mas kinakatigan at minamahal ng taumbayan.

Kaya naman satisfied si Dela Rosa sa kanyang rank sa pagka-Senador.

Naniniwala ang Senador na ang pagsasagawa niya ng mga investigation in aid of legislation sa Senado ang isa sa mga dahilan kung bakit siya nasa mataas na ranggo kaya naman ipagpapatuloy niya ang mga ito. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author