Kinumpirma ni Senador Ronald Bato dela Rosa na patuloy na pinag-uusapan sa kanilang partido ang posibleng pagsabak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa 2025 senatorial elections.
Sinabi ni dela Rosa na palagi niyang naririnig sa kanilang mga kapartido ang patuloy na paghimok sa dating Pangulo na magbalik sa pulitika.
Marami pa anya sa kanila ang excited sa magiging desisyon ng dating Punong Ehekutibo lalo kapag napag-uusapan anya ang posibleng imbestigasyon ng International Criminal Court.
Ngunit nilinaw ng senador na hindi para sa proteksyon ng dating Pangulo laban sa ICC ang kaniyang posibleng kandidatura.
Naniniwala ang senador na may mga natitira pang kaalaman ang dating Pangulo na hindi pa niya naibabahagi para sa kapakanan ng taumbayan. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News