dzme1530.ph

Mga ahensya ng gobyerno, tila hindi na natuto sa mga power outages sa bansa

Parang hindi na tayo natuto.

Ito ang reaksyon ni Senate Majority Leader Joel Villanueva sa gitna ng panibagaong power outages sa Western Visayas partikular sa Panay.

Sinabi ni Villanueva ilang taon nang paulit ulit ang problema ng kakapusan ng enerhiya sa rehiyon.

Ito anya ang dahilan kaya’t inihain na ang Senate Resolution No. 556 noon pang Marso 2023 na nananawagan sa Department of Energy, Energy Regulatory Commission at ibang ahensya ng gobyerno na tiyaking may sapat na suplay ng enerhiya sa buong bansa lalo na sa pagpasok ng peak seasons at mga extreme weather events.

Ipinaalala ni Villanueva na malaki ang epekto ng power outages sa ekonomiya lalo na sa business operations.

Iginiit ng senador na panahon nang magkaroon ng long term at short term solution ang gobyerno sa ganitong mga problema kasama na ang proper maintenance ng mga power plants, generators at iba pang pasilidad lalo na ang mga luma na. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author