Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang lahat ng ahensya ng gobyerno habang hinikayat din ang mga lokal na pamahalaan na makiisa sa “Community Development Week” at “Community Development Day” ngayong Enero.
Sa Memorandum Circular no. 41, binigyan ng direktiba ang national gov’t agencies kabilang ang Gov’t-Owned or -Controlled Corp., Gov’t Financial Institutions, at State Universities and Colleges habang hinimok ang mga LGU na suportahan ang nasabing pagdiriwang.
Inutusan din ang Dep’t of the Interior and Local Gov’t na pangunahan ang mga aktibidad at programa sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang organisasyon.
Sa ilalim ng Proclamation no. 316 series of 1994, idineklara ang unang linggo ng Enero bilang Community Development Week, at ang Jan. 6 bilang Community Development Day.
Layunin nitong itaguyod ang Bayanihan Spirit at kooperasyon sa mga komunidad. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News