Hinikayat ng Dep’t of Transportation ang local vehicle manufacturers na sumali sa Public Utility Vehicle Modernization Program.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, inihayag ni Transportation Undersecretary Timothy Batan na inaasahang magiging mas mura ang Modern PUV Units na gagawin mismo ng local manufacturers.
Ito rin ang magbibigay ng option sa consolidated operators na makapili kung saan sila bibili ng modern PUVs.
Gayunman, nagpa-alala ang DOTr sa minimum requirements sa disenyo na kailangang sundin sa gagawing local modern PUVs, sa ilalim ng tinatawag na Philippine National Standards.
Matatandaang ipinasilip ng local vehicle maker na Francisco Motors Corp. ang nilikhang electric jeepneys na nagkakahalaga lamang ng P985,000. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News