Balak ng ilang Senador na paimbestigahan ang power outage sa Panay Island upang managot ang mga nagpabaya.
Sinabi ni Senate Committee on Energy Chairman Raffy Tulfo na maghahain siya ng resolusyon upang imbestigahan ang anya’y nakakabahala nang kalbaryong ng mga resindente sa Panay na apektado na ang pamumuhay dahil sa power outage.
Patuloy ding nakikipag-ugnayan si Tulfo sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), Department of Energy (DOE), National Electrification Administration (NEA) at iba pang mga ahensya para mamonitor ang sitwasyon sa probinsya at mabigyan ito ng agarang solusyon.
Samantala balak dingmaghain ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa ng resolusyon para maimbestigahan ang usapin lalo pa’t nasasangkot muli ag NGCP at malaking dagok ito sa ekonomiya ng Panay Island.
Maging si Senador Sherwin Gatchalian ay plano ring magsulong ng imbestigasyon para makabuo ng policy recommendations nang maiwasan na ang power disruption sa hinaharap.
Umapela rin si Gatchalian sa DOE, NGCP at energy regulatory commission (ERC) na bilisan ang imbestigasyon sa isyu lalo’t ang iloilo city at panay island ang economic drivers ng Visayas. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News