dzme1530.ph

P10.41-B halaga ng iligal na droga, nakumpiska noong 2023; mahigit 27,000 brgy., naideklarang drug-free

Umabot sa P10.41-B na halaga ng iligal na droga ang na-kumpiska ng Administrasyong Marcos noong 2023.

Sa report ng Philippine National Police na ibinahagi ng Malacañang, nasakote ang kabuuang 56,495 drug suspects sa ikinasang mahigit 44,000 anti-illegal drug operations.

Na-clear din mula sa droga ang mahigit 27,000 na Brgy. sa pagtutulungan ng PNP, Dep’t of the Interior and Local Gov’t, Dangerous Drugs Board, at Philippine Drug Enforcement Agency.

Samantala, 23 na probinsya, 447 na munisipalidad, at 43 na lungsod ang nakapagtatag na ng kani-kanilang Community-Based Drug Rehabilitation Programs.

Target ng administrasyon na maibaba ng 10% ang target-listed drug personalities pagdating ng June 2028. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author