Itinigil na ang pagpapakawala ng tubig sa Angat Dam sa Bulacan.
Sa datos ng Hydrometeorology Division ng PAGASA, as of 6am ngayong araw, bumaba na sa 214.08 meters ang reservoir water level sa Angat mula sa 214.17 meters kahapon.
Una nang hiniling ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa National Water Resources Board na ma-iangat sa 214 meters ang lebel ng tubig sa Angat dam sa pagtatapos ng 2023.
Ito ay para magkaroon ng karagdagang suplay sa tubig sa naturang dam bilang paghahanda sa epekto ng El Niño phenomenon.
Nabatid na nasa 210 meters lamang ang normal high water level ng Angat dam. —sa panulat ni Airiam Sancho