dzme1530.ph

Supplier ng modern jeepneys ng gobyerno, pinalalantad sa DOTr

Nais ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na tukuyin sino ang supplier ng gobyerno ng mga modernized jeepneys para sa isinusulong na PUV Modernization Program.

Sinabi ni Pimentel na plano niyang sulatan ang Department of Transportation upang malaman ang naging proseso sa pagpili ng supplier kasama na rin ang middleman.

Ipinaliwanag ng senador na dahil ang programa ay ipinatutupad mismo ng gobyerno, dapat dumaan sa proseso ang pagpili ng mga supplier kabilang na ang pagkakaroon ng akreditasyon ng mga ito at pagsailalim ng public bidding.

Kung wala anyang bidding ay maituturing itong pre-arranged na ang mga supplier kaya’t dapat itong maisapubliko.

Iginiit ni Pimentel na dahil government mandated program ito, dapat matukoy din kung sino ang kausap ng supplier para mas maging transparent ang proseso. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author