Umabot na sa 630 lokal na pamahalaan sa bansa ang nagpapatupad na ng electronic business one-stop shop, o ang digitalized at mas mabilis na pag-proseso ng business permits at iba pang dokumento sa pagne-negosyo.
Sa Bagong Pilipinas ngayon public briefing, inihayag ni Anti-Red Tape Authority Director General Ernesto Perez na mula sa kabuuang 1,637 LGUs, 630 ang nag-report na automated na ang kanilang business licensing and permit processing.
Sa nasabing 630 LGUs, 19 ang fully-compliant na habang 611 ang partially-automated, batay sa validation ng ARTA Compliance Monitoring and Evaluation Office.
Sinabi ni Perez na sa ilalim ng electronic business one-stop shop, aabutin lamang ng 20 minuto hanggang isang oras ang pagkuha ng business permits sa mga LGU. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News