Target ng Department of Tourism (DOT) na makahikayat ng 7.7 milyong dayuhang mga bisita sa bansa ngayong 2024.
Sinabi ni DOT Secretary Christina Garcia Frasco na itinuturing ang 2023 na matagumpay para sa Philippine Tourism Industry, makaraang makapagtala ng 5.45 million international visitor arrivals simula Jan. 1 hanggang Dec. 31.
Ang naturang pigura aniya ay nakapag-generate din ng mahigit P480 billion na international tourism revenue.
Idinagdag ni Frasco na nakabawi na ang Pilipinas sa rate na 66% mula sa 2019 all-time high na foreign tourist arrivals. —sa panulat ni Lea Soriano