Hinikayat ng Dep’t of Energy ang mahihirap na consumer na magpa-rehistro sa lifeline subsidy program sa kuryente.
Ito ay sa harap ng kakaunti pa lamang na bilang ng mga naka-rehistro sa nasabing programa.
Ayon kay DOE Electric Power Industry Management Bureau Director Luningning Baltazar, nasa halos 200,000 pa lamang ang nakapagpa-rehistro na miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
Malayo pa ito sa 4.2 million na inaasahang magpapa-rehistro.
Ipina-alala naman ng DOE na walang deadline ang registration at kailangan lamang pumunta sa mga kaukulang distribution utility office. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News